好店入驻
微信扫一扫打开
入驻好店
发布信息
微信扫一扫打开
发布信息
同城头条  >  本地  >  'He's Into Her' cast bumisita sa 'ASAP' para sa season finale
'He's Into Her' cast bumisita sa 'ASAP' para sa season finale
2022年08月09日 14:23   浏览:44610   来源:菲社网

640.jpg 720x400.jpg

Pinangunahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang dance number ng 'He's Into Her' cast sa 'ASAP,' Agosot 7, 2022. Screengrab Pinangunahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang dance number ng 'He's Into Her' cast sa 'ASAP,' Agosot 7, 2022. Screengrab

Bumisita sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang cast ng patok na teen romance series na "He's Into Her" para i-promote ang pagtatapos ng kanilang ikalawang season at nalalapit na concert.

Sa pangunguna nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, umindak ang cast ng "He's Into Her" sa "ASAP" stage sa remix ng kantang "Best Time" ng P-pop group na BGYO, na theme song ng serye.

Nagpasalamat naman ang mga bida sa mainit ng pagsuporta ng publiko sa serye, na naglabas ng season finale episode sa iWant TFC noong gabi ng Miyerkoles.

Watch more News oniWantTFC

"Overwhelming talaga ang support niyo sa'min ni Maxpein at sa buong 'He's Into Her' cast," ani Pangilinan, na tinutukoy ang pangalan ng karakter ni Mariano.

"Salamat sa todong suporta niyo for the grand finale of 'He's Into Her' Season 2," dagdag naman ni Mariano.

Mistulang patikim ang "ASAP" number para sa mga performance na ipapakita ng cast sa finale concert sa Araneta Coliseum, Quezon City sa Agosto 27.

Mapapanood naman ang season finale ng "He's Into Her" ngayong gabi ng Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at A2Z.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
头条号
菲社网
介绍
“菲社网”平台是一款免费发布便民信息的微信小程序平台,打造简洁、快速、高效的信息推广查询平台。做到为民、利民、便民。服务海外华人各大城市生活圈,在线招聘、店铺转让、房屋出租、二手车、同城拼车、打听求助、生意转让、微帮便民信息发布平台。
推荐头条